High school ako nung magsimula ako magblog sa Xanga. Buhay pa naman siya ngayon, pero hindi na updated. Kadalasan, Tagalog ako magsulat. Noong mga panahong iyon, pakiramdam ko, galing sa kaibuturan ng aking puso’t kaluluwa lahat ng sinusulat ko. Kung babalikan ko ngayon mga pinagsusulat ko, gusto ko tumambling. Ang emo emo ko. Ang daming kadramahan sa buhay. Pag masaya naman, ang daming imbentong salita. ”Tada!”. ”Wieee”. ”Kish Kish Kooshi Kooshi Moosh Moosh”. Ang daming dot dot dot (…). Noong mga panahong yun, akala ko bonggang bongga mga pinagsusulat ko. Ang dami ring baby talk; pati sa pagsusulat, pa-baby. Pasensiya, high school eh.
Tinamad ako paglipas ng ilang taon. Pero nablog ko pa ang JS Prom and High School Graduation namin. Pati yata ang Kumon days at first few semesters ng college ko. Naaalala ko, nagupload pa ako ng screenshot ng pagiging Dean’s Lister ko.
Nung nabaduyan na ako sa Xanga, lumipat ako dito sa WordPress. Bilang pakulo sa aking bagong silang na blog, sabi ko sa sarili ko: ”sige pure English tayo dito.” Kalaunan, na-nosebleed ako. Iba pa rin kasi ang Pinoy at baklang humor. Eh ang bakla bakla ko pa man din magsalita sa totoong buhay. Pacute pa, nadala ko up to recently ang pagbaby talk slash TagLish ko from high school. Kung hindi pa naimbyerna mga mature kong officemates baka malakas pa rin ako magbaby talk and TagLish ngayon.
Nakakamiss magsulat. Mapa-English o Filipino. Nung nag-enroll ako etong Hunyo, nahirapan ako nang bonggang bongga sa mga unang aktibidades. Magsulat daw. Gorabels. Ang English article, limang minuto, walang bura bura tapos agad. Ang Filipino article, hala jusko, pahinto hinto ako kakatanong kay klasmeyt ”what’s ___ in Tagalog?”, ”How do you say the sentence _____ in Tagalog?”.Paraakong mga Kumon kinder students ko na taga-Xavier at taga-ICA na hindi exposed sa wikang Filipino. At nakakasira ng train of thought. Ang train of thought ko na kadalasan English na.
—–
Ngayon ay Disyembre 25. Merry Christmas! Nakakaloka lang, sa Facebook, yung mga friends ko, 24 pa lang kung makapag Merry Xmas, wagas.
Iniisip ko kung saan ako ng Xmas season noong mga nakaraang taon. 2006, first Xmas na boyfriend ko si Dan. Wala lang, di ko matandaan anyare. 2007, he gave me my Esprit watch. Wow, 4 years old na yung butterfly watch ko. 2008, medyo malungkot itong taon na to, naaksidente si Daddy; muntik na siya magPasko sa Orthopedic. 2009, patay naman Lola ko; sa Lucena kami nagPasko, kalilibing lang niya ng 24, o 23 ba yun. 2010, double pay holiday; sa Sykes na ako nito. Potluck lunch kasama ang wavemates ko. 2011, medyo busy. Christmas parties at reunions kaliwa’t kanan. Tapos feeling big girl na kaya hala, kung uminom ng alak, unlimited.

Taong 2011, ang daming bago. Ang dami kong nakaalitan, nakaaway sa opisina. Eventually, nagbati naman kami at naging close friends. Natanggap na nilang taklesa lang talaga ako. Ay meron pala akong nakaalitan, di ko na ginawang kaibigan ulit. Sobrang foul ng ginawa niya eh.

Lagi rin ako nalalagay sa kru kru na sitwasyon o awkard moments. Di ko nalang elaborate kung kailan at kung sino sino ang mga sangkot. Kasal naman na sila at magkakaanak na. #alamna
First half ng taon, parang TV ang lovelife ko. Maraming stations. Palipat-lipat ng boylet. Pagsapit ng Hulyo, hindi ko inaasahan, malamang di rin niya inaasahan, nag-iba ihip ng hangin. Naging bintilador ang lovelife ko, steady. So far so good. Di ko siya boyfriend, pero masaya. Walang drama, walang sakitan- mapapisikal o emosyonal. Sabi ni God tama na raw kasi yung ilang taong pagiging kawawa ko sa nakaraang relasyon ko eh. Dahil jan, busog siya sa di lang sa pagkain, pati na rin sa pagkain na may kalakip na nakakalokang post-its.

Then came my breakfast family. Pwera si Kuya sa first row, leftmost.

Kaya siguro ako lumobo sa 112lbs. Mga spandex shirts ko, di ko na masuot. Mga pantalon ko, putok na. Kailangan ko na tuloy magdiet ulit at tumakbo takbo.

Atsaka naman kasi, etong mga ‘to rin, kung makayaya kumain, kada-dalawang oras, gusto kumakain kami. Ako naman, hindi marunong tumanggi. Ok lang, I love them to bits.

Ika nga ni Pareng Chito Miranda, di ko alam kung paano to tatapusin kaya ganito nalang bigla na lang mawa